Pagmamanman ng Website
24 x 7 x 365 Walang Humpay na Pagmanman ng Website
Maliban na lang kung isa kang robot, hindi posibleng palagi mong masubaybayan o ma-check ang iyong website o server para makita kung tumatakbo ba ito o hindi. Hayaan na lang na ang aming automated service na ang siyang gumawa ng mga ganitong nakakabagot na gawain at mag-relax ka na lang!
HTTP at HTTPS
Hinahayaan namin kayo na manmanan ang HTTP at HTTPs sa alin mang port.
GET & POST
Sumusuporta kami sa mga GET at POST method. Maaari mong itukoy ang eksaktong URL na manmanan, at maaari ring isali ang "query string" sa URL tulad ng http://yoursite.com/cart?productid=13. Ang POST method ay siyang tumutulong sa iyo na testingan ang mga form submission, na higit na nagagamit sa pag-testing ng mga shopping cart, contact form, login form, search function, atbp.
Authentication, Cookies, Redirections
Nakaka-monitor kami ng anumang pahina kasali na ang mga nangangailangan ng mga authentication at cookies. Ang aming sistema rin ay sumusunod sa mga redirection upang masisigurado naming ang destinasyon na pahina ay naaabot.
Page Content Check (Keyword Check)
Maaari ka ring magtukoy ng opsyunal na mga keywords na kailangan (o 'di kailangang) lumabas sa pahina. Nagagamit ito sa pagsisiguradong ang iyong pahina ay nagbabalik ng mga naangkop na resulta. Ipagpalagay nating mayroon kang shopping cart na mayroong mga produktong pangkompyuter galing sa isang database, maaari kang mag-request sa aming sistema na mag-check ng mga keywords tulad ng "laptop", "printer", at "monitor". Makakatanggap ka ng notipikasyon kung hindi namin makikita ang mga keyword na ito sa pahina. Sa magkatulad na sitwasyon, maaari ka ring magtukoy ng mga keywords na hindi dapat lalabas, tulad ng "an error occurred", "database error", "scripting error", "hacked", atbp.
Mga Komplikadong Transaksyon sa Website
Gusto mo bang manmanan ang mga komplikadong transaksyon sa website tulad ng pag-login, paghahanap ng mga keyword, pagdagdag ng produkto sa shopping cart, paggawa ng mga online payments o pagbayad, atbp? Ang aming mga competitor o katunggali ay gumagamit ng "recorder" program para i-record ang iyong mga galaw ngunit marami itong limitasyon at hindi ito makaka-record ng mahusay sa maramihang transaksyon. Ang paraan namin ay ang pagkakaroon ng inhinyero o eksperto na siya mismong gagawa ng pasadyang script para sa iyo para manmanan ang iyong mga transaksyon. Sa ganitong paraan makakasigurado ka na minamanmanan namin ng wasto ang iyong mga transaksyon. Ang serbisyong ito ay maaaring mapakinabangan mo sa katamtamang halaga, mangyari lamang na kontakin kami para humingi ng libreng kotasyon.
Standard na mga Katangian
Kung Hindi mo na Gustong Magkaroon pa ng Hindi Napupunang Downtime, Mag-sign Up ng Libre Ngayon! |